Panghihimasok ng DOE at NEA sa pagpili ng general managers ng mga kooperatiba, binatikos ni Sen. Leila de Lima

Hinimok ni Senator Leila de Lima sina Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi at National Electrification Administration (NEA) Chief Emmanuel Juaneza na huwag manghimasok pagdating sa pagpili ng general manager ng mga electric cooperative.

Ayon kay de Lima, dapat pakinggan nina Cusi at Juaneza ang mga kooperatiba at huwag pakialaman ang mga ito sa pagpili ng general manager na hindi naman ginagawa ng mga nakalipas na kalihim ng DOE at pinuno ng NEA.

Napag-alaman na nananawagan na ngayon ang Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc. (PHILRECA) sa pagbibitiw nina Cusi at Juaneza dahil wala silang ginagawang aksyon sa kanilang mga departamento.


Sabi pa ng senadora, ang tangkang pag-centralize ng DOE at NEA ng kapangyarihan sa mga electric cooperative ay taliwas sa prinsipyo ng kaya binuo ang mga ganitong kooperatiba.

Facebook Comments