Panghihimasok ng ibang bansa sa kaso ni Rappler CEO Maria Ressa, pinalagan ng Palasyo

Inihayag ng Malakanyang na hindi nila tatanggapin ang panghihimasok ng Amerika o sinumang dayuhan sa kaso ni Rappler CEO Maria Ressa.

Kasunod na rin ito ng pahayag ng US state department na nagsasabing nababahala sila sa hatol ng korte kay Ressa lalo pa at ang Amerika at Pilipinas ay mayroon nang long time commitment para sa freedom of expression.

Sa interview ng RMN Manila kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang Pilipinas ay mayroong independent na hudikatutra at ang conviction kay Ressa ay naaayon sa batas.


Giit ni Roque, malinaw na ang kaso ni Ressa ay nagpapakita ng “Bad journalism” lalo na’t naglathala ang Rappler ng mapanirang artikulo sa negosyanteng si Wilfredo Keng nang hindi nila kinuha ang kanyang panig.

Facebook Comments