Panghingi ng tulong mula sa mga rebelde, dapat munang pag-aralan – Biazon

Manila, Philippines – Naniniwala si dating AFP Chief of Staff Rodolfo Biazon na kailangang pag-aralang mabuti ng gobyerno ang paghingi nito ng tulong mula sa mga rebeldeng grupo gaya ng MILF, MNLF at NPA.

Sa interview ng RMN kay Biazon – nakasalalay aniya rito ang buhay ng mga sibilyan, pulis at mga sundalo.

Ayon pa kay Biazon – dapat magkaroon ng ‘Unity of Command’ para hindi pumalpak ang mga gagawing sanib-pwersang operasyon.


Dapat rin aniyang isipin kung may pahintulot ba mula sa pamahalaan ang paggamit ng mga armas ng mga rebelde.

Iginiit din ni Biazon na kailangang sumunod sa mga rules of engagement ang mga rebelde.

Tanong pa nito kung ano ang magiging epekto nito sa mga ikinakasang usapang pangkapayapaan.

Tingin din ni Biazon – dapat ding malaman kung sino ang nagrekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng martial law sa Mindanao.
Naniniwala rin ang dating opisyal na hindi nagagamit ng maayos ang intelligence o pangangalap ng impormasyon kaya lumala ang sitwasyon sa Marawi.
DZXL558

Facebook Comments