PANGHUHULI AT PAGBEBENTA NG LUDONG, IPINAGBAWAL NG BFAR

Ipinagbawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang panghuhuli at pagbebenta ng “President’s Fish” o Ludong.

Ito ay alinsunod sa Bureau Administrative Order (BAC) No. 247 series of 2013, kung saan ipinagbabawal ang panghuhuli, pagbebenta, pagluwas, at pag-export ng lobed river mullet o ludong mula October 1 hanggang November 15 na itinalagang closed fishing season.

Ito ay upang mabigyang pagkakataon ang mga buntis na Ludong na makapangitlog at makapagparami.

Ang Ludong o tinaguriang President’s Fish ay itinuturing na pinakamahal na isda sa buong Pilipinas na minsan ding tinatawag na “Banak” ay nahuhuli lamang sa ilog Cagayan at Abra sa hilagang Luzon.

Ang sinumang lumabag sa BAC order ay maaring makulong ng 6 hanggang 8 taon at may-multa na aabot sa P80,000 at makakansela ang lisensiya o permit ng mga mahuhuli.

Facebook Comments