General Santos City—pansamantala munang itinigil ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera ang panghuhuli ng mga City Traffic Enforcer sa mga Tricycle sa Gensan mapa-kolurom man ito o Franchise Holder.
Ito’y may kinalaman sa issue nga pagsaayos ng takbo ng trapiko dito sa lunsod. Sinabi ni Mayor Rivera na kanilang balikan ang pagplano ng pagsasaayos sa takbo ng trapiko para walang maapektohan nito.
Matatandaan na maraming reklamo ang natanggap ng tanggapan ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera nang ipinatupad ang panghuhuli ng mga tricycle na dumadaan sa national highway ganon din sa mga Kolurom dahil apektado ang riding public dahil sa kakulangan ng jeep at multicab na namamasada sa buong lungsod.
Plano sana ng LGU Gensan na ibalik ang mga jeep at multicab na may rotang highway papuntang sentro ng lunsod at ibalik ang mga tricycle sa mga barangay. Ikinatuwa naman ng mga drivers ang naging desisyon ni Mayor Rivera.