Panghuhuli sa mga Grab at Uber drivers na patuloy na nag-ooperate nang walang prangkisa, sinimulan nan g LTFRB

85

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang panghuhuli sa mga driver ng Grab at Uber na patuloy na nag-ooperate nang walang kaukulang prangkisa.

Kasunod ito ng ipinalabas na ‘cease with dispatch order’ ng LTFRB sa mga transport network companies.

Ayon sa LTFRB, simula sa July 27 – hahanapan na nila ng certificate of public conveyance o ‘di kaya ay provisional authority ang mga driver ng mga naturang transport network vehicles.

Ang mga mahuhuling walang dokumento ay maaring pagmultahin ng hanggang P120,000 ang mga driver at operator.

Bukod ditto, mai-impound pa ng hanggang tatlong buwan ang kanilang mga sasakyan.

Una nang inamin ng Grab at Uber na malaking porsiyento ng kanilang mga accredited driver ang walang prangkisa mula sa LTFRB kaya pinatawan ng tig-limang milyong pisong multa ang dalawang kumpanya.

Facebook Comments