Hindi pa nag-uumpisa sa panghuhuli ng mga naninigarilyo sa pampublikong lugar ang pamahalaang lungsod ng Maynila.
Ito, ayon kay Manila City Administrator Eric Alcovendaz, ay dahil hindi pa nila napaplansta ang ordinansa na ipatutupad sa lungsod kaugnay sa Smoking Ban.
Ayon kay Alcovendaz, sa pagpupulong kahapon na pinangunahan ng Regional Peace and Order Council, plano nilang i-adapt ang ipinatutupad sa Mandaluyong City kung saan ti-ticketan ang mga mahuhuling lumalabag sa ordinansa at binibigyan ng limang araw para makapagbayad ng multa.
Ayon kay Alcovendaz, ang pinaghahandaan nila ngayon ay ang pagsasagawa ng One Time Big Time Operation kontra Smoking Ban, para makagawa ng impact sa mga Manileño bawal ang pagninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Sa kasalukuyan, ayon kay Alcovendaz, nakabuo na ng Smoke Free Task force ang Maynila na kinabibilangan ng mga tauhan ng Manila Police District, mga kawani ng bawat baranggay at maging sa DSWD.