Panghuhusga kay First Lady Liza Marcos, hindi nararapat ayon sa ilang civic groups

Nanawagan si Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) na huwag basta husgahan si First Lady Liza Araneta Marcos.

Ito’y matapos na iniuugnay umano ang unang ginang sa iregularidad sa mga proyekto ng flood control.

Giit ni Goitia, ang integridad ay hindi dapat hinuhusgahan sa tsismis o haka-haka at dapat pairalin ang patas na pagtingin sa halip na mga espekulasyon.

Una nang nilinaw ng Malacañang na walang matibay na ebidensya sa mga paratang at tinawag itong isang fishing expedition na layong magpasiklab ng kontrobersiya.

Dagdag pa ni Goitia, ang ganitong mga akusasyon ay nagdudulot lamang ng pagdududa sa mga institusyon ng pamahalaan at sumisira sa tiwala ng publiko.

Nanawagan din siya sa publiko na maging mahinahon at mapanuri, at itaguyod ang dangal ng mga taong naglilingkod sa bayan kung saan mahalaga ang patas na pamamahayag at responsableng pagtatanong.

Facebook Comments