Tiniyak ng Philippine Olympic Committee na pipigilan nila ang Vietnam na mangibabaw sa 31st Southeast Asian Games sa susunod na taon.
Ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino, magiging competitive at pahihirapan nila ang Vietnam kahit sa bansang ito gaganapin ang palaro.
Isang paraan aniya na kanilang gagawin ay ang pagbuo ng National Squad na pagtutuunan ng pansin ng gobyerno.
Ang Pilipinas ang nanguna sa katatapos na Southeast Asian Games noong nakaraang taon, na mayroong 149 gintong medalya habang pumangalawa ang Vietnam na mayroong 98 gold medals.
Facebook Comments