PANGINGIKIL | 3 empleyado ng BIR, arestado ng NBI

Manila, Philippines – Iniharap ng NBI sa publiko ang tatlong empleyado ng BIR na naaresto nila dahil sa pangingikil.

Kabilang sa mga naaresto ng NBI sa Greenhills ,San Juan sina Arturo Buniol, Gary Atanacio at Edgardo Javier na pawang Special Investigators sa BIR Regional investigation Division sa Makati City.

Ayon kay NBI-Deputy Director Ferdinand Lavin, tagapagsalita ng NBI, nag ugat ang operasyon matapos maghain ng reklamo si Commisioner Greco Belgica ng Presidential Anti Corruption Commission.


Batay sa reklamo ni commisioner Belgica, isang Chinese restaurant ang kinikikilan ng naturang mga empleyado ng BIR

Partikular ang paghingi raw ng respondents ng 1.2 million pesos sa may-ari ng restoran bilang tax liability kahit na isang taon pa lang itong nag-o-operate.

Ang mga salarin ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Anti graft and corrupt practices act, paglabag sa code of conduct and ethical standards for public officials and employees ;at Article 210 ng Revised Penal Code.

Facebook Comments