Manila, Philippines – Arestado ang dating tauhan ng Marina sa entrapment operation ng NBI sa Ermita, Maynila.
Kinilala ng NBI ang suspek na si Malone Morales na inireklamo dahil sa pangongotong kapalit ng mabilis na pag-iisyu ng “certificate of proficiency” na requirement para sa seafarers.
Nabatid na P20,000 ang hiningi ng suspek mula sa complainant.
Pero dahil walang pera na pambayad ay dumulog ito sa legal division ng Marina para i-follow up ang status ng kanyang clearance.
Nakipag ugnayan naman ang Marina sa NBI na siyang naging daan sa pagkaka-aresto ng suspek.
Lumalabas naman sa imbestigasyon, na una nang sinibak sa trabaho si Morales dahil sa isyu ng katiwalian
Nananatili ngayon sa kustodiya ng NBI ang suspek na nahaharap sa kasong extortion.