Manila, Philippines – Nakarating na sa Philippine Embassy sa Riyadh ang report hinggil sa panghihingi ng pera ng ilang indibidwal sa kaanak ng stranded ofws sa Saudi Arabia.
Ayon sa OFW leaders sa Saudi Arabia, naka-base doon ang mga Pilipinong tumatawag sa pamilya sa Pilipinas ng mga stranded OFWs para manghingi ng salapi kapalit ng pagproseso daw sa dokumento ng distressed OFWs.
Umaapela naman sa embahada ang OFW leaders na imbestigahan ang report.
Samantala, muling nanawagan sa pamahalaan ang stranded OFWs sa Saudi Arabia na pauwiin na sila ng Pilipinas lalo na ang may mga karamdaman.
Nation
Facebook Comments