Pangingikil sa mga Mayayamang Negosyante sa Cauayan City, Mga Nagpapanggap na NPA!

34

Cauayan City, Isabela – Nagpapanggap lamang na mga New Peoples Army o NPA ang mga nangingikil sa mga mayayamang negosyante dito sa lungsod ng Cauayan, ayon kay Police Senior Superintendent Narciso Paragas ng Cauayan City Police Station.

Ito ay mula sa panawagan ng kapulisan sa mga businessman ng Cauayan City na huwag pansinin o balewalain lamang ang mga tumatawag at sumusulat na umanoy mga kasapi ng NPA na humihingi ng tulong suporta.

Sinabi pa ni Superintendent Paragas na hindi totoong mga NPA ang mga nangingikil dahil sa hindi umano istratehiya ng NPA na tinatawagan, humihingi ng mga malalakihang bilang ng gamit at kung hindi agad maibigay ng isang negosyante ay sa katumbas na halaga na lamang at ipapadala ang salapi sa isang pangalan.

Kinumpirma pa ni Senior Superintendent Paragas na modus ito ng isang organisasyon ng nangingikil at maari din umano na mga negosyante na nalulugi na sa kanilang mga negosyo.

Samantala umaabot na sa sampung malalaking negosyante ang nabiktima ng mga nangingikil..

Dahil dito iginiit pa ni Superintendent Paragas na nasabihan na ang lahat ng padalahan ng pera maging ang mga negosyante na makipag-koordinasyon sa kapulisan upang matukoy at maikasa ang entrapment para sa mga extortionist ng lungsod .

tags,Luzon.RMN News Cauayan,PNP Cauayan City PS,Senior Superintendent Narciso Paragas.

Facebook Comments