PANGINGIKIL UMANO SA MGA PDL, PINABULAANAN NG BJMP ILAGAN

CAUAYAN CITY- Mariing kinondena ng Bureau of Jail Managment and Penology Ilagan ang isyung pangingikil umano ng BJMP Personnel sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay SJO4 Daniel Gaduena, mahigpit na ipinatutupad umano ni BJMP Regional Director na si JCSUPT Brendan Fulgencio ang Mandela rule kung saan nakasaad dito ang tamang pamamahala ng piitan at pagbibigay ng katarungan sa lahat ng bagay katulad ng pagtrato ng maayos sa mga PDL at pagrespeto sa kanilang mga karapatan.

Aniya, ang naturang impormasyon ay paninira lamang sa magandang adhikain at serbisyo na ipinapakita ng BJMP sa publiko.


Hindi umano kinokonsinte ng kanilang hanay ang anumang klase ng aktibidad na ikakasira ng kanilang hanay at sinisiguro namang lahat ng lalabag ay mapapatawan ng kaukulang parusa.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Yan ang naging pahayag ni Acting Assistant Warden SJO4 Daniel Gaduena ng BJMP Ilagan.

Samantala, ang naturang impormasyon ay personal na inilapit sa iFM News team ng isang hindi nagpakilalang indibidwal na may nagaganap na pangingikil umano sa mga PDL.

Kapalit ng good conduct at time allowance hinihingian umano ang mga PDL ng baboy.

Sinubukang tawagan muli ng aming himpilan ang naturang indibidwal ngunit hindi na ito matawagan.

Facebook Comments