Hinikayat ng Department of National Defense (DND) ang mga Pilipinong mangingisda na ipagpatuloy ang pagpapalaot nito sa West Philippines Sea.
Ito ay sa gitna ng presensya ng mga barko ng China.
Ayon sa DND, dapat lamang na ituloy ng mga kababayan nating mangingisda ang kanilang fishing activities sa kanilang katubigan at exclusive economic zone.
Ang Western Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay patuloy ang monitoring sa Pag-asa Island area.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DND sa Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil dito.
Nanindigan din ang DND na patuloy na tatalima ang Pilipinas sa international obligations and protocols sa paglalayag at pangingisda sa international waters at inaasahang gagawin din ito ng bansa gaya ng China.
Facebook Comments