Maraming tanong ang ibinato ni Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahayaan pa ring makapangisda ang mga Chinese sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Walong tanong ang ipinukol ni Del Rosario tungkol dito:
- Ang pahayag ba Ng Pangulo ay maituturing na bang matagumpay na pananakop ng China?
- Isa na ba itong polisiya ng Pilipinas?
- Hindi ba ito malinaw na paglabag sa saligang batas na minamandato ang Pangulo at militar na ipagtanggol ang kung anong mayroon tayo?
- Hanggang kailan pa nito ipapawalang halaga ang napanalunang kaso sa arbitral tribunal?
- Hanggang kailan na patuloy na mamaliitin at aapihin ng Chinese militia vessels ang mga Pilipinong mangingisda?
- Isusuko na rin ba ang exclusive rights ng Pilipinas sa langis at gas na sakop ng EEZ?
- Sa mga itinatayong artificial island ng China, pagsira nito sa marine environment, gaano na lamang kabilis nilang uubusin ang fish resources?
- At kailan tayo titigil sa pagbibigay sa mga Tsino ng primacy kaysa sa mga sarili nating kababayan.
Facebook Comments