Idineklara ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na bukas nang makapangisda sa karagatan ng Zamboanga Peninsula ang mga mangingisda kahit may umiiral na community quarantine.
Kasunod ito ng pagdeklara ng BFAR na ‘open fishing season’ sa rehiyon matapos alisin na ang ban sa panghuhuli ng isda doon.
Sabi ng BFAR, pagkakataon ng mga mangingisda na samantalahin ang panahon ng pangingisda habang kaaya-aya at kalmado ang karagatan.
Gayunman pinayuhan din sila na iwasan ang illegal fishing at sumunod sa safety, health and quarantine protocols habang nasa karagatan.
Alinsunod sa Memorandum Circular na inilabas ng Department of Agriculture (DA), pinapayagan ang fishing activities para matiyak ang sapat at food supply sa buong bansa sa gitna ng community quarantine.