PANGITAIN? | Catriona Gray, napanaginipan ng kanyang ina ang pagkapanalo niya sa prestihiyosong pageant

Ibinunyag ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na napaginipan ng kanyang ina na malalalo sa prestihiyosong pageant.

Kwento ni Catriona – 13-anyos pa lamang siya, sinabi sa kanya ng kanyang ina na si Mita Gray na napanaginipan umano nito na nagwagi ito sa nasabing beauty pageant suot ang pulang dress.

Sinabi ng 24-year-old Fil-Australian beauty na excited na raw itong umuwi sa bansa subalit hindi pa raw niya masabi kung saan magdiriwang ng Pasko lalo ngayong magiging abala sa Miss Universe duties.


Si Gray ang ikaapat na Pinay na nakasungkit ng korona para sa bansa, na unang nakamit nina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973) at ni Pia Wurtzbach (2015).

Facebook Comments