Isa sa binibigyang pansin sa San Carlos City ang pagpapalago ng kabuhayan ng mga residente at magandang kalidad ng edukasyon para sa mga batang mag-aaral.
Dagdag mapagkukuhanan ng kita; isang pangkabuhayan package ang ipinamahagi para sa mga piling benepisyaryo sa lungsod sabay din ang pamamahagi ng ilang kagamitan sa pagtuturo para sa mga Child Development Workers
Labing apat na benepisyaryo mula sa iba’t-ibang barangay ang napamahagian ng Pangkabuhayan package habang pitumput anim na units ng printer naman ang ibinahagi sa mga Child Development Workers.
Ayon kay San Carlos City Mayor Julier Resuello, sa ilalim ng programa ay matutulungan ang mga benepisyaryo na makapagsimula ng kanilang panghanapbuhay kaya mainam at responsableng mapalago ang ibinahaging tulong upang may mapagkukunan ang mga ito ng kanilang pangangailangan.
Sa kabilang banda, ang mga ipinamahaging printer sa mga Child Development Workers ay makatutulong para sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon para sa mga batang mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









