PANGKABUHAYAN | TESDA, inatasan ng Pangulo na bigyan ng training ang mga lumad

Davao City – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si TESDA Director General Guiling Mamondiong na turuan ng pangkabuhayan ang mga Lumad.

Sa pagdalo ni Pangulong Duterte sa Indigenous peoples leaders summit sa Davao City ay sinabi nito na dapat ay bigyan ng sapat na kaalaman sa pamamagitan ng training ng TESDA ang mga lumad para magkaroon ang mga ito ng pagkakataon na gumanda ang buhay.

Ito ang nakikitang paraan ni Pangulong Duterte para hindi sumanib ang mga Lumad sa teroristang grupong New People’s Army.


kasabay nito ay pinagsabihan pa ni Pangulong Duterte ang mga Lumad dahil nahimok na ang mga ito ng NPA na sumanib sa kanilang pwersa na ayon sa pangulo ay wala namang patutunguhan.

Sinabi ng Pangulo na maaga pa at may panahon pa para kumalas ang ilang mga lumad sa NPA at magbalikloob na sa gobyerno.

Samantala sa talumpati din naman ni Pangulong Duterte ay kinumpirma nito na tatakbo bilang senador si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Facebook Comments