Pangkalahatang Pagbibigay ng Ayuda sa mga Ilageño, Isinasagawa!

Isinasagawa ang pangkalahatang pagbibigay ng relief goods sa lahat ng ilageño dahil sa nagdaang bagyo.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay ginoong Paul Bacungan, City Information Officer ng Ilagan na mabibigyan umano ng ayuda ang mahigit apatnapu’t siyam na pamilya sa lungsod ng Ilagan.

Pinangungunahan parin umano ni Mayor Evelyn “Mudz” Diaz ang pamamahagi ng relief goods maging ang lahat ng sangguniang panlungsod member ng Ilagan at ilang mga valunteers.


Iginiit pa ni ginoong Bacungan na natapos na umano ang labin dalawang barangay na nabigyan ng pangkalahatang ayuda at inaasahan na matatapos ang pamamahagi ng tulong hanggang sa araw ng sabado.

Samantala mahigpit umano na sinusuri ang lahat ng donasyon bago irepack upang maiwasan na makapagbigay ng sirang relief goods.

Facebook Comments