Pangmamaliit ni Special Envoy to China Ramon Tulfo, inalmahan sa Kamara

Manila, Philippines – Pumalag si Kabataan Partylist Representative Sarah Elago sa pahayag ni Special Envoy to China Ramon Tulfo na tamad at mabagal ang mga Pilipinong construction workers kaya mas pinipili ng developers ang mga Tsino.

Ayon kay Elago, ang mga manggagawang Pilipino ay maituturing na pinakamasipag sa lipunan na dahilan kung bakit lumalago ang kita ng mayayaman na siyang tumatawag sa kanilang tamad.

Hindi aniyang masasabing tamad ang mga Pilipino dahil mataas ang demand ng mga manggagawa sa ibang bansa at kinikilala ang mga Pinoy na masipag at tapat sa trabaho.


Hindi aniya matutumbasan ng isang public apology lang ang paghihirap ng mga construction workers lalo at lumalala ang sistema ng kontraktwalisasyon.

Paliwanag pa ng kongresista, napakababa rin ng kanilang sahod at hindi maayos ang inilalatag na working conditions sa kabila ng maayos na trabahong ipinapakita ng mga Pilipino.

Facebook Comments