PANGMATAGALANG SOLUSYON SA PAGBAHA SA CALASIAO, ISINASAAYOS NG LOKAL NA PAMAHALAAN

Pinirmahan na ni Calasiao Mayor Patrick Caramat ang isang executive order na nag-aatas na bumuo ng Calasiao Flood Mitigation Council upang maibsan ang nararanasang pagbaha sa nasabing bayan.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Mayor Caramat, inilahad nito na hamon sa kanila ang kawalan ng comprehensive master plan ng drainage system sa bayan.

Kabilang na riyan, aniya, ang dredging na sa katotohanan umano ay 1980’s pa nang huling isinagawa sa mga ilog sa bayan.

Siniguro naman ni Mayor Caramat na kayang tugunan ng pondo ng bayan ang mga epekto ng nagdaang Bagyong Nando at Paolo na naging sanhi ng muling pagbaha sa bayan.

Sa inisyal na tala, aabot sa 2.4 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa mga nagdaang sama ng panahon.

Kahapon, 12 barangay pa rin sa Calasiao ang lubog sa baha.

Ang bayan ng Calasiao ang isa sa matinding nakaranas ng epekto ng pagbaha sa ikatlong distrito ng Pangasinan dahil sa mga nagdaang bagyo at habagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments