Pangongolekta ng buwis sa inter-province transport, ipapatigil

Ipapatigil ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pangongolekta ng buwis sa mga inter-province transport o pagbibiyahe ng mga pangunahing produkto sa lokal na gobyerno sa mga probinsya.

Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, alinsunod sa pinakabagong joint Memorandum Circular (JMC) ng Department of Finance (DOF) at Department of the Interior and Local Government (DILG), huwag nang buwisan ang mga nagbibiyahe ng pangunahing produkto sa mga probinsya.

Habang batay din JMC No. 2021-01, kasama ang mga toll fee, sticker fee, discharging fee delivery fee, market fee, entry fee at mayor’s permit fee sa mga aalising bayad.


Sa pamamagitan nito, makakasiguro na magpapatuloy ang pagbiyahe ng mga inter-province transport lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Facebook Comments