Kasunod ng mga reklamo ng mga nagbibiyahe ng mga pagkain at produkto sa pangongolekta ng pass-through fees at iba pang singilin sa mga teritoryo ng mga Local Government Unit (LGU), naglabas ngayon ang Anti-Red Tape Authority (ARTA), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Finance (DOF) ng isang joint memorandum na nagbabawal sa implementasyon ng mga lokal na ordinansa patungkol dito.
Sa ilalim ng inilabas na Joint Memorandum Circular (JMC), inaatasan ang lahat ng mga local chief executives na sumunod sa bagong guidelines.
Kabilang sa mga ipinatitigil na kolektahin ay ang mga pass-through fee o mga sinisingil sa paggamit ng mga pantalan, mga tulay sa mga territorial jurisdictions ng mga LGU.
Kasama rin sa ipinagbabawal na singilin ay ang ang sticker fee, discharging fee, delivery fee, market fee, toll fee, entry fee, at mga mayor’s permit fee.