Pangongolekta ng permit to campaign fees ng NPA sa mga pulitiko, mas mahigpit na babantayan ng PNP

Inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa lahat ng mga police offices at units na tiyaking hindi makakaubra ang extortion activities ng New People’s Army lalo na ang pangongolekta ng permit to campaign fees mula sa mga politiko.

Ayon kay PNP chief, inaasahan na nila na sasamantalahin ng NPA ang panahon ng eleksyon para makapangikil sa mga tatakbo sa darating na halalan.

Babala naman ni PNP chief sa mga kakandidato na huwag patulan ang iligal na gawain ng mga rebeldeng komunista.


Sa ngayon, mas mahigpit ang utos ni PNP chief sa kaniyang mga tauhan na mas maging alerto laban sa mga komunistang rebelde at iba pang local threat groups.

Ito ay dahil nagpapatuloy ang paghahain ang Certificate of Candidacy, kasunod ay panahon ng kampanya, aktuwal na botohan, hanggang sa proklamasyon ng mga nanalong kandidato.

Facebook Comments