Tiniyak ng Pangasinan Police Provincial Office (PANGPPO) na walang modus ng pandurukot o pangunguha ng bata o sanggol sa lalawigan kaugnay ito sa nangyaring pagkawala ng isang sanggol sa isang ospital kamakailan.
Ayon kay Pangasinan Police Provincial Director Arbel Mercullo, itinuturing na isang isolated case ang pagkawala ng sanggol dahil unang beses na nangyari ang ganitong klase ng insidente sa lalawigan.
Tiniyak naman nito ang posibleng pananagutan at makasuhan ng administrative at criminal case kung nanaisin ng pamilya ang mapapatunayang nasa likod ng pagkawala ng sanggol. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









