Pangulo, inaming mahirap talagang puksain ang iligal na droga sa bansa

Ozamiz, City – Inamin ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali siya sa pagbibigay ng deadline sa paglaban ng kanyang administrasyon sa iligal na droga sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, dahil sa lalim ng problema sa iligal na droga sa bansa ay posibleng hindi pa ito mabigyang solusyon hanggang matapos ang kanyang administrasyon.

Sinabi ng Pangulo na pinagbatayan lang niya sa kanyang mga naunang pahayag o template ay ang kanyang ginawa sa Davao City nang siya ay alkalde pa doon kaya nagulat aniya siya nang maupo na siya bilang pangulo ng bansa sa lawak ng problema sa iligal na droga sa Pilipinas.


Matatandaan na noong panahon ng kampanya ay sinabi ni Pangulong Duterte na tatapusin niya ang problema sa iligal na droga sa loob ng 3 buwan pero nang kumaon ay naging 6 na buwan, naging isang taon nabago sa hanggang matapos ang kanyang termino pero ang pahayag ngayon ng Pangulo ay hindi kayang masolusyunan ang problemang ito isa sa loob ng isang administrasyon lamang.

Una nang sinabi ng Malacanang na ito ang dahilan kung bakit dapat magkaisa ang mga ahensiya ng pamahalaan sa paglaban sa iligal na droga at kailangan din ang buong suporta dito ng mamamayan.

Facebook Comments