Pangulo ng Kenya, itinangging nawawala

Itinanggi ng tagapagsalita ng Pangulo na nawawala si Kenyan President Uhuru Kenyatta.

Ang paglilinaw ni Kenyan House State Spokesperson Kanze Dena matapos ang ilang buwang hindi pagpapakita ni Kenyatta sa publiko.

Mula kasi noong ito ay bumiyahe sa China noong Abril ay hindi na nagpakita sa publiko si Kenyan President Uhuru Kenyatta.


Dumalo ang Kenyan president at nakipagpulong kay Chinese President Xi Jinping sa ikalawang Belt and Road Forum.

Ayon kay Dena – mayroong sariling opisina ang Pangulo at hindi naman mahalaga na makita siya basta ginagawa nito ng tama ang kaniyang trabaho.

Facebook Comments