Pangulo ng Singapore, darating sa bansa ngayong araw para sa tatlong araw na state visit

Magiging panauhin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang ngayong araw si Singapore President Tharman Shanmugaratnam at ang asawa nitong si Mrs. Jane Yumiko Ittogi.

Nasa Pilipinas ang Singaporean leader para sa tatlong araw na state visit.

Ito ang magiging kauna-unahang pagbisita ni President Shanmugaratnam sa bansa.


Ayon kay Pangulong Marcos, pagtitibayin nila ang commitment ng Pilipinas na palakasin pa ang ugnayan sa Singapore.

Ipagpapatuloy rin aniya ng dalawang bansa ang kooperasyon sa larangan ng enerhiya, healthcare, at iba pang larangan.

Magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider at lalagdaan din ang mga kasunduang may kinalaman sa recruitment ng Filipino Healthcare workers at kolaborasyon sa pagpopondo para sa klima.

Facebook Comments