Pangulo ng Sri Lanka, bababa sa puwesto sa gitna ng economic crisis

207
Photo Courtesy: AFP

Bababa sa pwesto sa Miyerkules ang pangulo ng Sri Lanka na si President Gotabaya Rajapaksa, ayon kay Parliament Speaker Mahinda Yapa Abeywardena.

Kasunod ito ng malawakang protesta sa paligid ng presidential palace kahapon.

Libu-libong tao ang nanawagan sa pagbibitiw nito sa pwesto dahil sa umano’y hindi maayos na pamamalakad sa gobyerno na nagdudulot ngayon ng krisis pang-ekonomiya sa Sri Lanka.


Ayon kay Mahinda Yapa Abeywardena, ang desisyon ng pangulo sa pagbaba sa pwesto ay para sa maayos na pagsasalin ng kapangyarihan at kapayapaan sa bansa.

Facebook Comments