Pangulo ng Sri Lanka nakatakdang bumisita sa bansa

Bibisita sa bansa para sa kanyang limang araw na state visit si Democratic Socialist Republic of Sri Lanka President Maithripala Sirisena.

Sa abiso ng DFA magaganap ang state visit ni President Sirisena sa darating na January 15-19 2019.

Makikipagpulong naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing state leader sa January 16 para sa isang bilateral meeting kung saan pag-uusapan ng dalawang lider ang mutual interest ng 2 bansa kabilang ang political, economic, cultural and people-to-people engagement.


Nakatakda ring bisitahin ni President Sirisena ang Asian Development Bank at ang International Rice Research Institute sa Los Baños, Laguna.

Nabatid na ito ang unang pagkakataon na dadalaw ang isang Sri Lankan President na nagsisilbing bilang Head of State at Government sa ilalim ng Sri Lanka’s 1978 Constitution, at ikalawang beses naman na pagbisita sa bansa ng Sri Lankan leader simula nuong maitaguyod ang diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa magmula noong 1961.

Facebook Comments