MANILA – Hindi pinalampas ni Pangulong Noynoy Aquino na banatan si Senador Bongbong Marcos, kasabay ng Ika-30 Anibersaryo ng Edsa People Power Revolution, kahapon.Ayon sa Pangulo – bigo si Marcos na aminin man lang sa publiko na may mali sa Martial Law nang idineklara ito ng kanyang ama na si Dating Pangulong Ferdinand Marcos.Kaya nagbabala ito sa mga nagbabalak na ibalik sa kapangyarihan ang mga Marcos lalo’t umaangat sa mga survey si Sen. Marcos na tumatakbong Bise Presidente.Binatikos din ng Pangulo sina Sen. Marcos at Juan Ponce Enrile dahil sa pagpigil ng mga ito sa panukalang Bangsamoro Basic Law.Dismayado Rin Ang Pangulo sa mga gustong baguhin ang kasaysayan at nagsasabing “Golden Age” ang panahon ng diktadura.Kabaliktaran anya ang nangyari dahil bukod sa pinigil ang kalayaan, lomobo ang utang ng pilipinas, dumami ang npa at pilipinong nangibang bansa habang nagpakasasa ang iilan.Dahil rito, hinamon naman ni Pnoy Ang kabataan na maging mapagmatyag para hindi na maulit pa ang mga nangyari noong Martial Law.Samantala… Sinabi nina Sen. Grace Poe at Chiz Escudero na hindi mapipilit ni pnoy na magsorry si Sen. Marcos sa mga nangyari noong Martial Law.Iginiit ng dalawa na dapat kusang loob ang paghingi ng tawad ni Marcos… (Lou Catherine Panganiban – RMN DZXL 558)
Pangulong Aquino, Binanatan Si Sen. Bongbong Marcos… Mga Taga Suporta Ni Marcos, Winarningan
Facebook Comments