Pangulong Aquino, Nagsimula Ng Mag-Impake Habang Papalapit Ang Pagbaba Sa Pwesto Sa Hunyo

11

MANILA – Nagsimula nang mag-impake si Pangulong Noynoy Aquino at iba pang opisyal sa malakanyang habang nalalapit ang pagbaba nila sa pwesto sa Hunyo-a-trenta.Sinabi ni Secretary Sonny Coloma, na nagsimula na rin ang kanyang mga staff na magligpit sa Presidential Communications Operations Office para sa turnover sa mga susunod na maninirahan sa palasyo.Tahimik namang babantayan ni PNoy si incoming President Rodrigo Duterte sa loob ng isang taon.Nagdesisyon ang pangulo na bigyan si Duterte ng espasyo para pamunuan ang bansa, hindi katulad ng kanyang karanasan noong 2010 kung saan agad siyang binatikos ng mga kritiko.Interes anya ng lahat na bigyan ng suporta si Duterte para sa kapakanan ng bansa.

Facebook Comments