MANILA – Pinaalalahanan kahapon ni Pangulong Noynoy Aquino ang taumbayan na huwag kalilimutan ang kahalagahan ng kalayaan.Sa ika-118 taong anibersaryo ng kalayaan, binalikan ng Pangulong Aquino ang panahon ng martial law at nagpaalala rin ito sa mga pilipino na ingatan ang kalayaan ng bansa.Ipinagmalaki rin ni Pnoy na iiwan umano niya ang Pilipinas na nasa maayos na kondisyon at malayo kaysa sa naabutan ng mga pilipino bago pa siya manungkulan bilang presidente ng bansa.Ayon sa outgoing President, natupad na niya lahat ng kaniyang ipinangako gaya na lang ng mataas na bilang ng mga benepisaryo ng Philhealth, mga kabataang nakapagtapos sa tulong ng TESDA, mga napagawang imprastraktura at silid aralan pati na rin ang paglago ng ekonomiya.
Facebook Comments