Pangulong Bongbong Marcos, bibisitahin ang mga naapektuhan ng pagbaha sa San Mateo, Rizal

Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ocular inspection sa Valenzuela, Navotas July 25, 2024

Magsasagawa rin ng situation briefing si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa San Mateo, Rizal.

Ito ay upang alamin ang epekto ng malawakang pagbaha sa naturang bayan na dulot ng Bagyong Carina at habagat nitong mga nagdaang araw.

Makakasama ng pangulo sa situation briefing ang ilang opisyal ng lalawigan gaya nina Rizal Governor Nina Ynares, local officials, at ilang kalihim ng mga kagawaran.


Sa ngayon, kakatapos lamang ng situation briefing sa Mauban, Quezon.

Nagtanong dito ang pangulo kung may lugar pang nananatiling isolated hanggang ngayon dahil sa bagyo at sinabi ni Quezon Governor Helen Tan na wala na at tuloy-tuloy ang pamamahagi nila ng mga ayuda.

Nais din tiyakin ng pangulo na naibibigay ang mga ayuda lalo na kahit nakauwi na ang ilang mga residente mula sa evacuation centers isang araw mula nang magkaroon ng malawakang pagbaha.

Sinabi naman ni Health Secretary Ted Herbosa na nagkausap na sila ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan para isaayos ang labing-isang ospital na naapektuhan ng pagbaha at bagyo at hinihiling niya na maglagay ng evacuation area sa rooftop ng mga pagamutan para sa mga pasyente.

Samantala, bago magtapos ang briefing ay muling iginiit ng pangulo ang kahalagahan ng pagpapaalam sa publiko ng tungkol sa climate change lalo na sa panahon ngayon.

Pagkatapos ng briefing sa San Mateo mamaya, nakatakda ring bumisita ang pangulo sa ilang evacuation center sa naturang bayan.

Facebook Comments