Cauayan City – Personal na bumisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lalawigan ng Cagayan kahapon, ika-10 ng Nobyembre upang kumustahin ang sitwasyon ng mga residente at ng lugar matapos na masalanta ng sunud-sunod na bagyo.
Ang pagbisita ng Pangulo sa Cagayan nitong linggo ay upang suriin ang lugar matapos magdulot ng matinding pinsala sa lalawigan ang mga nakalipas na bagyo na naranasan.
Maliban kay PBBM, kasama rin nito si DEPED Secretary Sonny Angara, Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, at si Cagayan Governor Manuel Mamba kung saan kanilang sinuri ang Licerio Antiporda Sr. National Highschool Main Campus sa Buguey, Cagayan na siyang isa sa mga paaralan na labis na naapektuhang ng bagyong Marce.
Personal ring pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng Family Food Packs sa mga Cagayanong lubhang naapektuhan ng bagyo.
Samantala, maliban sa Family Food Packs ay namahagi rin si PBBM ng tulong pinansyal sa mga residenteng biktima ng sakuna.