Patuloy na tagumpay at kasaganaan habang tinatahak ng bansa ang pagkakaisa para sa mas magandang bukas.
Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kaugnay ng pagdiriwang ngayong araw ng Kadayawan Festival sa Davao City.
Ayon sa pangulo, kasama siya ng mga Davaoeños sa ginagawa nitong pagdiriwang kahit pa aniya may mga hamon na kinakaharap ang bansa.
Hanga naman ang pangulo sa mga taga-Davao at tinawag niya ang lunsod bilang isang liwanag ng kaunlaran.
Ayon sa pangulo walang duda na naipakita rin ng mga taga-Davao ang solidarity nito at naging kontribusyon sa nation- building.
At sa araw na ito ng pagdiriwang, paalala ng pangulo na sana ay maging mapagpasalamat sa masaganang anihan na nagsilbing pundasyon din aniya ng Davao sa tuloy-tuloy nitong pag-unlad.