Pangulong Bongbong Marcos, hindi na magpapatupad ng lockdown sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa

Hindi na magpapatupad ng lockdown ang bansa sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi nito na hindi na kakayanin ng bansa ang pagsasailalim sa lockdown sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 dulot ng mga naitatalang kaso ng Omicron subvariants.

Dapat aniya balansehin ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga Pilipino at ng ekonomiya ng bansa.


Sa kabila nito, titiyakin ni Pangulong Marcos Jr., na may sapat na kapasidad ang mga ospital upang maiwasan ang pagsipa ng mga tinatamaan ng sakit.

Dagdag pa niya, mas palalakasin ang COVID-19 vaccination roll out lalo na ang pagbibigay ng booster shot sa mga mamamayan.

Kasunod nito, sinabi ni Marcos Jr,. na mananatili muna sa ngayon ang alert level system na ipinatutupad sa bansa.

Paliwanag ng pangulo, pinag-aaralan pa kung anong paraan ng classification ang babagay sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa kontra COVID-19.

Facebook Comments