Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa mga Pilipino na suportahan ang ika-50 Metro Manila Film Festival (MMFF) na umarangkada kahapon, araw ng Pasko.
Sa isang video message, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na bahagi na ng ating buhay at kultura bilang Pilipino ang MMFF.
Kasunod nito, hinikayat ni PBBM ang mga Pilipino na manuod ng mga pelikulang kalahok ngayong Golden Year ng MMFF na sigurado aniyang magbibigay ng gintong saya at mag-iiwan ng mga ginintuang aral.
May sampung pelikulang kalahok sa MMFF na mapapanuod hanggang sa January 7, 2025.
Facebook Comments