Pangulong Bongbong Marcos, hinimok ang mga Pilipino na lumahok sa paglaban sa climate change

1Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang publiko na lumahok sa global action upang labanan ang climate change.

Pahayag ito ng Pangulo sa pagdiriwang ng International Mother Earth Day kahapon.

Ayon kay Marcos, nananatiling buo ang suporta ng kaniyang administrasyon sa mga programa at polisiya para sa kalikasan.


Samantala, sinabi ng Climate Change Commission na dapat gumawa ng konkretong hakbang ang lahat upang mapigilan ang negatibong epekto ng climate change.

Kabilang sa mga pupuwedeng gawin ay ang pagpapatupad ng sustainable practices, pagbawas ng ating carbon footprint at pag-promote sa conservation efforts.

Facebook Comments