Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na maprotektahan ang mga lokal na trabaho kaya sinisikap na maitaas pa ang suplay ng de-kalidad na asukal na kailangan ng mga nasa food manufacturing industry.
Binigyang-diin ito ng pangulo sa kaniyang pakikipag-pulong sa grupo ng mga food manufacturer.
Sinabi ni Marcos Jr., na may pangangailangan na masuri ang mga hakbang ng pamahalaan upang matiyak na sapat ang suplay na asukal sa bansa at makapag-operate ng full capacity ang mga kumpanya.
Tinatrabaho na rin aniya ng gobyerno ang presyo ng asukal at nakikipag-usapan na sila sa mga trader para maibaba ito.
Tinukoy ni Pangulong Bongbong Marcos na isa sa mga dapat tignan ay ang direct importation ng food manufacturing na may pag-apruba ng Sugar Regulatory Administration (SRA) bilang bahagi ng emergency measure para matugunan kung may kakulangan ng lokal na suplay.