Pangulong Bongbong Marcos, nanawagan ng pagkakaisa sa mga Pilipino ngayong Bagong Taon; VP Sara Duterte-Carpio, hinikayat naman ang mga Pinoy na magtulungan para sa bansa at sa bawat isa

Pagkakaisa.

Ito ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga Pilipino ngayong Bagong-Taon.

Sa kaniyang New Year message, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na manatiling matatag at magkaisa ang bawat Pilipino upang malampasan ng bansa ang mga darating na hamon.


Umaasa aniya siya na magkaroon ng lakas at inspirasyon ang bawat mamamayan at magkaroon ng pagmamahal sa ating kapwa Pilipino at sa ating bansa.

Sinabi rin ni PBBM ang “innate bayanihan spirit” ng mga Pilipino.

Samantala, pagiging matatag din ng mga Pilipino at pagkakaroon ng bayanihan o pagtutulungan ang mensahe ni Vice President Sara Duterte-Carpio ngayong pagpasok ng 2023.

Sa kaniyang New Year message, nanawagan si VP Duterte sa bansa na manatiling magkaroon ng determinasyon at katatagan upang magsimula muli sa kabila ng mga hamon na dala ng nakaraang taon.

Hinikayat din ng pangalawang pangulo ang mga Pilipino na isipin ang isang Bagong-Taon na puno ng layunin at katatagan upang bumuo ng isang mas mahusay na buhay para sa kanilang sarili at sa kanilang mga komunidad.

Facebook Comments