Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mangunguna sa groundbreaking ceremony para sa dalawang subway stations mamayang alas-9:00 ng umaga kasama si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.
Ito ay ang Ortigas at Shaw Boulevard stations na kung saan ay magsisilbing access point sa subway Shaw Boulevard Station ang Meralco Avenue.
Una nang nag-anunsiyo ang DOTr na isasara ang bahagi ng Meralco Avenue sa lungsod ng Pasig, simula ngayong araw para magbigay daan sa Metro Manila Subway Project na magtatagal hanggang 2028.
Present din sa groundbreaking ceremony mamaya si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, habang present din si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Bahagi ng seremonya ang lowering of time Capsule na magsisilbing hudyat ng konstruksyon sa bahagi ng subway project.
Ang 33-kilometer subway project na may 17 istasyon ay sinimulan nuong 2019 sa pamamagitan ng site-clearing works sa Valenzuela Depot, kung saan magsisimula ang unang istasyon at magtatapos naman sa Bicutan Station sa Paranaque City habang mayroon ding branch line patungo sa NAIA Terminal 3 station sa Pasay.