Pangulong Bongbong Marcos, planong magtayo ng maraming ospital at health centers sa bansa; pangulo, nais din magtayo ng sariling Center for Disease Control and Prevention at isang vaccine institute

Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magtayo ng marami pang ospital at health centers sa bansa.

Sa kaniyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Marcos Jr., na maraming ospital sa Metro Manila ang napakinabangan ng maraming Pilipino, kaya panahon na para magtayo ng maraming pagamutan sa iba’t ibang parte ng bansa.

Plano rin ni Marcos Jr., na maglagay ng marami pang mga clinic at rural health unit upang mas madaling mapuntahan ng mga magpapagamot na hindi na kailangan pang bumiyahe ng malayo.


Dagdag pa ni Marcos Jr., nais niya na magtayo ng sariling Center for Disease Control and Prevention at isang Vaccine Institute sa bansa

Facebook Comments