Ngayong araw ang byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patungong Singapore matapos ang unang state visit sa Indonesia na nagtagal ng tatlong araw.
Pagdating sa Singapore ay agad na pupuntahan ng pangulo ang Filipino community sa Singapore bilang kangyang unang aktibidad sa state visit sa Singapore.
Ganito rin ang naging scheduole ng pangulo sa kanyang state visit sa Indonesia kung saan inunang makita ang Filipino community.
Importante raw kasi sa kanya na makita ang mga Pilipino para makapagpasalamat sa pagsuporta sa kanya sa nakalipas na halalan.
Hindi kasi nakapagkampanya ang pangulo sa mga Pinoy sa abroad dahil sa pandemya.
Facebook Comments