Nais munang pulsuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taga -Bataan hinggil sa planong muling pagbuhay sa nuclear power plant.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ito ang mandato ng Pangulo kay Energy Secretary Alfonso Cusi hinggil sa pagsusulong nito na gumamit ang bansa ng nuclear energy.
Nabatid na kamakailan ay nagpulong sa Malakanyang sina Pangulong Duterte, Secretary Cusi at si dating Congressman Mark Cojuangco hinggil sa nuclear energy.
Napag-usapan dito ang posibilidad na buhaying muli ang Bataan Nuclear Power Plant, subalit iginiit ng Pangulo na dapat munang konsultahin ang mga tao sa grounds sapagkat hindi pwedeng manggagaling sa taas ang desisyon hinggil dito.
Matatandaang isa ang paggamit sa nuclear energy sa mga paraang isinusulong ng DOE para magkaroon ng dagdag na source ng enerhiya sa bansa at mapababa ang singil sa kuryente.