Pangulong Duterte, aatras sa pagka-bise presidente kung magdedesisyon si Mayor Sara na tumakbo bilang pangulo sa 2022 elections

Posibleng hindi ituloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pagtakbo bilang bise presidente sa 2022 elections ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Nograles na ito ay kung sakaling magdesisyon si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na ipursige ang pagkapangulo sa susunod na taon.

Ayon kay Nograles, dati pa lamang naman ay sinasabi na ng pangulo na hindi siya pabor sa Duterte-Duterte tandem.


Kagabi ay kinumpirma na ng pangulo na tatakbo siya sa pangalawang pinakamataas na posisyon habang wala pang desisyon si Mayor Sara para sa kaniyang political plan.

Facebook Comments