Pangulong Duterte, abala parin ngayong araw matapos ang SONA

Manila, Philippines – Matapos ang mahigit dalawang oras na SONA, pagharap sa mga rallyista sa Batasan at mahabang Press briefing kahapon ay magiging abala ulit si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Mamayang hapon kasi ay 8 aktibidad ang dadaluhan ni Pangulong Duterte dito sa Malacanang.
Unang aktibidad ng Pangulo ay ang pagharap sa kanya ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na gagawin 2:30 ng hapon, susundan ito ng courtesy call ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa na inaasahang gaganapin mamayang 3:00.
Magkakaroon naman ng Farewell call si Massimo Roscigno ang Ambassador of Italy to the Philippines at Asif Ahmad ambassador ng United Kingdom sa bansa.
Magkakaroon din naman ng Turnover ng donasyon ng one Philippines Foundation Inc. at ang kanyang pagdalo sa pagbibigay ng tulong ng Go Negosyo Kapatid for Marawi Financial Assistance para sa mga namatay na sundalo at pulis.
Huling aktibidad naman na pangungunahan ng Pangulo ay ang oath taking ng mga bagong opisyal ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc.

Facebook Comments