Pangulong Duterte, alam na ang pagbabalik ng operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison

171

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Malakanyang na alam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Pison.

Sa isinagawang press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella – kinausap na ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa si Pangulong Duterte para ipaalam ang balita at inirekomenda na palitan ng Philippine Marines ang mga miyembro ng PNP Special Action Force na nagbabantay sa NBP.

Ayon kay Abella, ang paglaban sa operasyon ng iligal na droga sa NBP ay isa sa mga malalaking napagtagumpayan ng administrasyon.


Ang pagbabalik aniya ng droga sa Bilibid ay nagpapakita lang ng laki ng operasyon nito sa bansa.

Tiniyak din ni Abella na hindi mapapagod ang administrasyon sa paglaban sa iligal na droga na nagpapahirap sa buhay ng maraming Pilipino.

Facebook Comments